Wednesday, June 12, 2013

Masaya ka ngayon, tapos bukas HINDI na. Pano na?

Saturday, December 22, 2012

beben-eleben:

It hurts the worst when the person that made you feel so special yesterday, makes you feel so unwanted today, and when the person who gave you the best memories become just a memory.

Sunday, October 7, 2012
Minsan kailangan mo magpamiss para ikaw naman yung mamiss. ;))

kimpoyfeliciano:

Sunday, October 7, 2012
Anong “IN” sa 20th Century?

Takaw-atensyon sa akin ang topic na ‘to kasi karamihan sa mga kakilala ko (without mentioning any names of course) nagfo-fall sa category na naisip kong swak na swak sa kanila. I’m not saying I’m right in categorizing them, pero hinango ko lang yun sa mga taong nakapag-confide ng mga komplikadong sitwasyon sa akin. Base sa karanasan, narinig ng tenga at nakita ng mga mata, eto ang maaaring category na paglagyan nila: (1) Nagpapaloko/Dense; (2) Nanloloko/Tense; (3) Nagseseryoso/Stress; (4) Kalmado/Relax. Para mas maging malinaw ang bawat category sa mga nagbabasa, eto ang mga nakikitang kong paliwanag:

  1. Nagpapaloko or dense – sila yung mga taong kahit anong gawing panloloko ng mga partners nila, kayang-kaya nilang tanggapin yung bawat pagkakamali  ng mga mahal nila.

    Minsan kasi, iniisip nila: “Mas okay na to kaysa wala.”, “Mas okay na to kaysa maiwan ako mag-isa”, “Ayos na yung ganito, mas mapapadali yung buhay kaysa naman maghanap ako ng iba tapos in the end di naman pala kami magiging kami”, “Wala naman na akong mahanap na iba mas hihigit pa sa kanya (naks!)” at kung anu-ano pang mga dahilan natin.

    Pero minsan naiisip ko ang daming mga taong ganito, kasi gusto natin ilagay yung mga sarili natin sa comfortable zone. Masyado tayong TAKOT to take one step forward kasi baka hindi na natin maranasan yung ganung pakiramdam. Baka ‘di na ulit maulit yung kilig, saya, excitement, yung “heaven na feeling”. Natatakot tayo na dumating yung point na walang taong magsasabi na: “Miss mo na ba ko?”, “Mahal kita.”, “Masaya ako na ako ang mundo mo.”, “Malungkot ang buhay ko ‘pag wala ka” at marami pang iba. O ano nakakarelate ka ba?

  2. Nanloloko or tense – sila naman yung mga taong tense kasi di mapakali sa isa lang kahit na sobrang seryoso ng partner nila sa kanila.

    Ang kadalasang nasa isip nila: “Bakit ako magseseryoso? Bakit sila ba seryoso sa akin?”, “Pare-pareho lang naman yang mga lalaki/babaeng yan, manloloko.”, “Tapos na yung seryosohan”, “Nakakapagod na ulit maging loyal sa isang taong walang ginawa kundi balewalain ka.”, “Sa una lang naman sila mahilig magpasikat, pag tumagal wala na.”, “Iba naman kasi talaga yung gusto ko”. O di ba totoo? Hahaha! Sila din yung tinatawag na bitter kasi may nakaraang maaaring nakapagpabago sa tingin nila sa buhay. Hindi naman natin sila masisisi kasi masyado silang nasaktan. Kumbaga ginawa nila ang part nila, then suddenly pag gising nila wala na pala silang tinatawag na kanila. Parang No Other Woman na movie lang yan. Hahaha!

    Yung mga taong ganito, sila yung kino-consider na basag. Hopeless na pagdating sa pagmamahal. Maaaring masyado lang nila ginawa lahat noon para sa taong pinaglaanan nila ng panahon at emosyon. Sa bandang huli, wala naman palang mapupuntahan. 

  3. Nagseseryoso or stress – eto yung mga taong todo effort kaya nahahaluan ng stress ang katawan. Somehow similar sa dense, kaya lang eto utak at puso ang ginagamit.

    Sa mga taong seryoso, eto yung tinamaan ng husto sa pag-ibig. Yung agaw-buhay at bongga ang effort mapasaya lang ang mahal nila. Karamihan sa kanila: “Kaya kong gawin ang lahat sayo kasi mahal na mahal kita”, “Di ko kayang nakikita kang malungkot”, “Hindi ko magagawang saktan ka, lalung-lalo na ang iwan ka.”, “Kaw ang buhay at pangarap ko.”, “Mahirapan na ako, wag lang ikaw.” Nangingiti ka ba? Hahaha. Pwede mo naman aminin, walang naman masama.

    Mga taong pwede i-consider yung sarili nilang may pagka-martyr, pero sila alam nila na may patutunguhan yung effort nila. Ang sabi nga ng iba, pag nag-effort daw yung “walang tapon”. Sila yung mga taong totoo ang nararamdaman pero alam nila when to stop. Hindi katulad ng dense na kahit na nagmumukha silang tanga go pa din kung go. Pinapagana nila yung utak nila at the same time nagmamahal naman sila. Mga tipo ng taong willing maglustay ng pera sa movie dates, lunch, dinner, at kung may maisip pa kayong ibang pwedeng pagkagatusan.

  4. Kalmado or relax – pinakamalupit sa lahat ng mga nabanggit ko kasi sila yung mga “just go with the flow”.

    Nakakatuwang isipin na sa mga panahong ito, may mga individual na talagang hindi assumero o assumera pag dating sa tinatawag nating “pag-ibig”. Sila yung hindi manloloko, hindi seryoso, at hindi rin dense. Swak na swak dito yung mga taong gusto maging masaya o mag-enjoy pero hindi sila yung tipong tao na may planong makakasakit ng iba. Sa tingin ko, ang perspective ng isang taong relax: “Mahalaga na maramdaman ko lang na masaya ako, no commitment, no problem, no drama at no heartaches.”, “Kung may gawin at may iparamdam man sya (opposite gender) na kakaiba sa dating kinikilos, wag mag-panic.”, “Wag mag-assume.”

    Sa pagiging kalmado or relax ng isang tao, nagkakaroon ng pagkakataon na ma-misinterpret ng iba yung kinikilos nila. May iba nagsasabi easy lang sila, yung iba manhid, yung iba naman sasabihing wala naman yang pakialam sa mundo at lalong-lalo na yung pinakamatindi sa lahat, wala naman yang pakialam sa nararamdaman ng iba. Pero para sa akin, sila yung mga taong nag-iingat masaktan. Maaring nakikisalamuha sila sa iba’t-ibang tao, pero ang bottomline nila dun is to enjoy life. Natatakot lang silang mag-invest ng emotions, time, money, at pagod sa isang tao na baka di para sa kanila talaga.

Natamaan ka man o hindi, hindi pa rin nito mapapantayan yung paniniwala na meron ang bawat isa sa atin. Kung saan mang kategorya tayo tumapat, mas maganda pa rin na manaig yung pagmamahal at pagrespeto sa sarili. I-konsidera ang nararamdaman ng iba kung saan hindi nanaisin paasahin, manghamak o kaya manakit sa nananahimik na damdamin na meron sila. - shyneshines :) 10.07.12

Saturday, September 22, 2012
imyk for crying out loud! :)
Saturday, September 22, 2012
‎”It’s Constipated.”

beben-eleben:

Isang bagong tawag sa relasyong hirap ilabas ang feelings nila sa isa’t isa.

Wednesday, August 1, 2012

“Hindi lahat ng katotohanan, kailangang patunayan. Di rin lahat ng kasinungalingan kayang pagtakpan.”

PinoyBookofLove
Tuesday, July 10, 2012
LENS CUP <3
Saturday, June 16, 2012

thediaryofayoungman:

You always have to remember not to leave that person who understands you more than anyone else. Someone who you can talk to about everything and will stand with you no matter who you are. Always treasure the one that accepts and loves every little detail about you.

Saturday, June 16, 2012
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 Next
Theme by: cutesecrets.tumblr.com. Powered by Tumblr.