Sunday, January 29, 2012
Torpe

Isang katangian sa mga kalalakihan na minsan positive, minsan negative.

Positive - in a way na di nagugulat ang mga kababaihan sa gusto nilang iparating sa girls. Hindi sila pressured kasi wala silang pinaparamdam na special para mahalata ng girls. Hindi tense si boy, hindi conscious, kasi alam nya na hindi naman talaga alam ni girlalu na may nararamdaman ka. Isang katangian di maipaliwanag ng mga kalalakihan. Base sa aking observation, maaaring ayaw lang nilang magkaroon nang negative feedback ang mga kababaihan sa kanila. Iniingatan nila maturn-off si girlalu kasi mahalaga at importanteng tao siya sa buhay ni boy. Maaaring positive ‘yon sa paraang ayaw nyang magkamali, dahil they always want to give their best shot.

Negative - sa paraang di nagugustuhan ng mga kakabaihan ang hulaan stage. Marami o halos lahat ng mga kababaihan ang nag-a-assume na may special na namamagitan sa inyong dalawa. Eto yung panahon kung saan maaaring tawagin ng mga girls ang sarili nila na “assuming”. Magkakaroon ng eksena, at instant teleserye ang dating. Kaya may ibang kababaihan ang natuto na. Naghihintay sa literal na pagsasabing, “gusto kita o liligawan kita”. Mahirap sa mga kalalakihang torpe, pero ang sabi nga nila kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan..

Iba-iba man ang katangian na meron ang dalawang panig, magtanungan na lang. Hayun lang! hahaha!

Sunday, January 29, 2012
Valentine’s Day is fast approaching!

Bilang isang Pinoy, isa ito sa mga importanteng araw na ipinagdidiwang sa Pilipinas.

Noong nasa elementary ako, pinapagawa kami ng titser namin ng card or drawing gamit ang art paper na red. Mabentang-mabenta ang art paper noon. Tuwang-tuwa si ate kasi mabenta art papers nya. Hehehe! Anyways, mga bata sa panahong ito sa naaalala ko may mga crush na sila pero hindi doon sa puntong gusto nilang magkaroon ng commitment.

Nung high school ako, sine-celebrate ang Valentine’s Day sa tinatawag na "Prom" kung saan yung junior at senior nung high school nagkakaroon ng pagkakataon na magkita-kita sa isang gabi. Isa yun sa pinaka-highlight kumbaga sa tinatawag na - high school life. Isa ding pinaka-kritikal na araw para sa mga taong may mga girlfriend at boyfriend dahil maaaring ito ang maging ugat nang pag-aaway at pagseselos kung may gusto makipagsayaw sa sinuman sa kanila.

Nung nagtatrabaho na ako, medyo mas naging malalim ang naging kahulugan ng araw na ito. Maaaring dahil mas mature na ang mga taong nakakasama ko, lalo na yung may mga girlfriend at boyfriend at their 30s.. Dito mo makikita yung mga tao na kahit mag-asawa na sila at may anak na, magpapadala pa din si lalaki kay babae ng bulaklak at chocolate. Noon ko lang naisip na di naman pala nakalaan ang araw na ito para ipagdiwang ng magnobyo lang, maaaring ito ay ang panahon para ipaalala na kahit sino may karapatang maalala ang araw nito nang pagmamahalan. 

Pagmamahalan not just for couples, pero pagmamahalan sa kahit sinumang taong pinaglalaanan mo.. Maaaring sa iba lalo na sa mga single, hindi ito ganun halagang araw…pero sa iba mahalaga ang araw na ito para mas ipakita ang pagmamahal.

Yes! May iba na mala-fairy tale ang dating ng love life nila, may iba na mala-teleserye ang drama. Kung anumang eksena ang hatid ng okasyon ito, mas mahalaga pa rin ang konseptong maipakita ang pagmamahal hindi dahil kailan ‘tong ipagdiwang.

Sa mga single, hindi natin kailangan sumabay sa uso para i-celebrate ang araw na ito. ‘Wag pilitin ang sariling magkaron nang ka-date kung wala naman. ‘Wag padalhan ang sarili ng bouquet of flowers at sabihing di mo kilala kung sino ang nagpadala noon. Maging masaya kasi wala kayong problema.  :)

Day 29 of 366

- shyneshines

Sunday, January 29, 2012
Day 29 | 366Project 
Sunday, January 29, 2012

A Young Man's Diary: Date a Guy Who Takes Photos→


thediaryofayoungman:

Date a guy who takes photos. Date that someone who captures every detail in his camera. For him, saving memories on a gadget is one of the most important tasks to be done. It doesn’t matter what camera he uses as long as he is able to take a photograph.

He lets photographs do most of the talking….

Sunday, January 29, 2012
'Yung moment na mag-isa ka lang at pinipicturan mo ang sarili mo

beben-eleben:

Sunday, January 29, 2012
Sunday, January 29, 2012

A Young Man's Diary: Date a Guy Who Waits→


thediaryofayoungman:

Date a guy who waits. Date that someone who has the patience to be with you no matter how long it takes for you to make a decision to give that yes to his proposal. He can never let you go and will do whatever it takes just to have a stable and healthy relationship with you.

He is someone who has…

Sunday, January 29, 2012
Boys, iba ang instinct naming mga babae.

superivee:

Kaya nga may nagaassume diba? Masyado kasi kaming open-minded na kahit hindi pa namin sure, para sa amin sure na yun kahit wala pang consent niyo. Nararamdaman naming mga babae kung may surprise ba kayo o wala. Alam namin yang mga ganyang kilos niyo. Kaya di niyo kami maloloko. Pero seriously talaga, magaling makapuna ang babae kesa sa lalaki.

Sunday, January 29, 2012
Saturday, January 28, 2012
Day 28 | 366Project
Previous 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 Next
Theme by: cutesecrets.tumblr.com. Powered by Tumblr.