Wednesday, February 1, 2012
Day 31 | 366Project 
Wednesday, February 1, 2012
Day 30 | 366Project 
Wednesday, February 1, 2012

“If you can’t find the answer, just listen to your heart.”

shyneshines | tumblr
Tuesday, January 31, 2012
Relationship Status: Single

Dahil unang araw ng February bukas, maraming mga:

Single in English,

Walang boyprend in Tagalog,

Singgol in Bisaya,

Waley jowa in Gay Lingo. 

Ano man ang tawag dito, marami pa ring mga taong walang tinatawag na "special someone" sa araw ni Kupido. Hehehe! May mga kanya-kanyang dahilan kung bakit wala. Base sa mga nakakausap ko at base sa mga obserbasyon ko, ito ang iba’t-ibang sitwasyon kung bakit may mga taong single this coming Valentine’s Day.

  1. Mga taong nakipag-break dahil ‘di na nya magustuhan ang ugaling inaasal nito sa kanya kumpara nung unang araw na naging sila.  
  2. Nakipaghiwalay siya sayo dahil wala na "daw" natitirang pagmamahal sa sarili nya.
  3. Umalis sya sa buhay mo sa kadahilanang gusto nya muna huminga at abutin ang mga pangarap nya.
  4. Iniwan mo sya kasi mas pinili nyang pahalagahan ang kaibigan at pamilya nya kaysa sa’yo.  
  5. Wala kang lovelife kasi choosy ka sa taong gusto mong magmahal sayo.
  6. Di mo pa nakikita ang taong sa tingin mo ay para sayo.
  7. Hinihintay mo pa sya na dumating at may posibilidad na… na-traffic, napatid, nasa ibang relasyon pa at naghihintay ng right timing para makipaghiwalay, naghahanap pa ng trabaho, hinahanda ang sa ‘inyo’ at kung anu-ano pang assumptions na nakakatawa.
  8. Maaaring di mo pa nadidiskubre sa sarili mo na gusto mo ay gel (girl) din, o boy din.. :)
  9. Magkaiba kayo na pinaniniwalaan relihiyon. 
  10. Ayaw mo muna makipagrelasyon dahil di ka pa reidy (ready) kahit na ang tanda-tanda mo na.
  11. Bawal ka pa pumasok sa isang relasyon dahil sabi ng mga magulang mo ; “Wag muna anak ha. May gatas ka pa sa labi.”
  12. May mahal kang tao, pero may mahal na iba. Layuan mo na kaya!
  13. Gusto nyo ang isa’t-isa pero di nyo masabi dahil…. ayaw ni girl ibaba ang pride nya para ipagtapat ang nararamdaman nya, at may pagkatorpe si boy pagdating sa ligawan period. (Hayun naman pala e, andyan nya sa harap mo dinededma mo pa! tsk! tsk! tsk!)
  14. May nagpapasaya sayo, pero nakikita mo na di sya ang taong makakapagpatuloy ng mga pangarap na nasimulan mo.  
  15. Masaya ka isang tao, pero nalaman mong “in a relationship” sya kaya ayun todo iyak ka naman.
  16. Madami ka nang nailabas na mga luha at naisip mo na gusto mo nang lumaya para maging masaya.
  17. Naisip mong lumayo na lang sa taong yun dahil kahit anong gawin mong pagpapahalaga sa kanya, di nya magawang pahalagahan ang mga bagay na ginagawa mo.
  18. Gusto mo mang mag-adjust sa set-up gusto mo at gusto nya, kaya lang hindi pwede dahil masasaktan ang mga taong nakapalibot sa inyo.
  19. Nahuli mong nakikipagdate ang taong mahalaga sayo at nalaman mong kaibigan mo pala ang nangtraydor sayo.
  20. Gusto mo sya. Mahal ka nya per may pumipigil sa inyo. Yun ay ang panghihinayang na masira ang pagkakaibigan nabuo nyo sa tagal na pagsasamang meron kayo.
  21. Wala ka pang nahahanap na makakapagpasaya ulit sa nalulungkot mong puso. (Shoot!)

Madami mang mga dahilan at kung anu-anong palusot ang sabihin natin, di naman ito nakakabawas sa pagkatao na meron ang bawat isa sa atin. Kapag ba wala kang special someone eh lonely ka na agad? Hindi ba pwedeng kulang lang? Hahaha! Hindi naman maipapaliwanag ang kawalan ng jowa sa pagiging masaya na nararamdaman mo sa sarili mo. Ito’y isang estado na maaaring makatulong at makadagdag lamang sa kasiyahan meron ang mga sarili natin sa ngayon. 

TANDAAN MO! Hindi lang ikaw ang nag-iisang single sa mundo. :)

© shyneshines | tumblr

Tuesday, January 31, 2012
'Yung feeling na ang aga-aga mo na ngang matulog pero pagkagising mo, pakiramdam mo kulang pa din ang tulog mo.

beben-eleben:

Tuesday, January 31, 2012
Salitang maaaring makapagbago ng mundo mo.

SHOOT. Isa sa mga salitang nakakatulong para maiwasan magbitaw ng mga di kaaya-ayang salita kagaya ng sh*t. Sa halip na maging pangit sa tenga pakinggan, mapapatawa mo ang mga taong nakapalibot sayo. Samahan mo pa ng tono/tune!

MALUPIT. Kasing kahulugan ng ‘matindi’. Maaaring positibo o negatibo ang dating depende sa okasyon. Hahaha!

WHAT THE HELL. Hango sa isang kanta ni Avril Lavigne. Maaari mong i-express sa kahit na anong emosyon tulad ng pagiging: malungkot, masaya, kinakabahan, galit, at kung anu-ano pa. 

**At dahil dyan, nakakatuwang isipin na ang mga taong nakapalibot sayo’y ginagamit ang mga salitang iyon para sa katuwaan, kapag tense, pressured or depressed. Kung ano pa man ang dahilan, isang nakakatuwang gawain na ang sarap gawin nang paulit-ulit.

Monday, January 30, 2012
❒Single ❒Taken ✔Ünofficially Yours

beben-eleben:

Monday, January 30, 2012
❒ SINGLE ❒ TAKEN ✔ Ano yong VALENTINES DAY na sinasabi nila? Ma-GOOGLE nga.
Sunday, January 29, 2012

“Assumptions are stupid guess. You can’t create formula to get the right answer. It’s not a balancing equation where do you have to find the right chemical formulas. A simple word with an obscure meaning specifically fit for idiocy.”

shyneshines | tumblr (via shyneshines)
Sunday, January 29, 2012

“May standards ka man sa taong gusto mong maging parte ng buhay mo, ‘pag pag-ibig ang umiral wala ka nang magagawa kung hindi sundin ang tinitibok nito. Magwala man ang isip at makipagdebate sa puso mo, mas pipiliin mo pa rin ang kasiyahang hatid na may minamahal kang hindi na-meet ang standards na gusto mo.”

shyneshines | tumblr (via shyneshines)
Previous 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 Next
Theme by: cutesecrets.tumblr.com. Powered by Tumblr.